Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni King Joshua Tolentino




I AM
Bago lumubog ang araw noong ika-2 ng abril taong 1995, ipinanganak ang bunsong anak ng ma-asawang Arnilo Atienza. Tolentino at Felda Payas. Tolentino sa Barangay Sta. Ana, San Pablo City. Na nag nga-ngalang King Joshua Gaviño. Tolentino. Ako ay bunso sa limang mag kakapatid. Kung baga sa juice o palamig ay ako ang latak.Ang mga kapatid ko ay sina Kent Vladimir, Kathleen Joyce, Kaye Anne, Karla Mae at ako nga ang kahuli-hulihan na si King Joshua Gaviño Tolentino. Mapapansin nyo na lahat kami ay dalawang salita ang pangalan at nag si-simula sa letrang "K". Lahat ito ay kagustuahan ng lolo ko na si Magellan Gaviño.

Masayang-masaya ang mga magulang ko ng ako ay ipinanganak isa n dyan ay ang aking lolo ngunit dalawamput-tatlong araw ang lumipas ng ako ay ipinanganak namatay ang aking lolo na si Magellan Gaviño. Ngunit sabi nga po ng iba ay "tuloy ang buhay". Isa nanamn pong napakasayang araw ang dumaan ng ipag-diwang namin ang aking unang kaarawan.Subalit dumating anamn po ang iasang dagok sa aming buhay lalo na sa aming magka-kapatid ng namatay ang aking ina na si Felda Tolentino limang buwan ang nakakalipas pag-katapos kung mag diwang na aking ika-unang kaarawan Disyembre 9, 1996 ng nang yari ang pag kamatay ng pinaka mamahal kong ina. Ang masakit pa dun ay wala pang isang taong nakakalipas ng mamatay ang aking ina ay nag asawa na ng bago ang aking ama na si Arnilo Tolentino ngunit khit ganoon ang nang-yari ay mahal pa rin naming mag-kakapatid ang aming ama. Ngunit pinag pasyahan na kmi ay uwanan sa aking lola na si Juliana Payas Gaviño.

Bago ako pumasok sa Kinder Garten ay dadalawa na kami ng aking ate Karla ang natira sa aking lola dahil sa kinuha na aking papa ang ang tatlo ko pang kapatid. Hunyo 5,1995 una akong pumasok sa eskwelahan bilang kinder ay una kong nasilayan ang aking unang crush noong mga oras na iyon ay para akong tinamaan ng palaso ni kupido ng makita ko si Larissa Rosales ng dumating ang isa pang napaka halaga at napakasayang araw sa aking buhay ang "Graduation Day". Pag-sapit ko ng garade1 ay prang nawalan ng kulay ang aking buhay sapagkat hindi ko nakita ang aking crush na si Larissa sa kadahilkanan na lumipat  siya ng paaralan. buti na lang nandyan ang aking lola at nakita ko ang babaeng muling nagpa-tibok ng aking puso na nag nga-ngalng Marenelle D. Bayan. Ginawa ko ang lahat upang mag-pasikat sa kanya sa kabutihan ng diyos nag-tagumpay ako dahil nakuha ko ang ika-anim na pwesto sa pinaka magaling sa klase ngunit mas lalo na akong napahanga ng malaman kong nakuha ni maren ang ika unang pwesto bilang pinaka magaling sa klase namin. Masaya ako ng hanggang ika-apat na baitang ay kaklase ko pa rin siya. Subalit pag tung-tong ko ng ika-limang baitang ay parang na ulit ang sinapit ko ng ako ay nasa ika-unang baitang pa lamang ng malaman kop at madama ko na wala siya at lumipat din siya ng paaralan. Kung kaya't sa ika-tatlong pag kakataon ay nakita ko muli ang isa pang babaeng nag pasaya sa akin.Ang pangalan ng babaeng ito ay Anna Jessa Elindo. Isa nanamang pag tatapos sa aking pag aaral ang nag daan ng natapos naminng magkakaklase lalo namin ni Jessa ang elementarya.


Isa nanamang pag hihiwalay para sa aming mag kakaklase ang nangyari at isa nanamang pagsubok ang haharapin sa pag harap namin sa bagong yugto ng aming buhay ang "HIGH SCHOOL LIFE". Noon ay nag kahiwa-hiwalay kming mag kakalase ang naging kasangga ko lang ay ang aking Best Friend na si Kasren M. Anoyo dahil sa pagpasok namin ng high school sa COL. LAURO naD. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL ay mag kaklase pa rin kmi ng aking best friend sa section ng 1-C. Doon ay nakita ko rin ang aking unang crush bilang high school at hindi puppy love dahil kahit papaano ay naging matured na ako mula ng pumasok ako ng highschool siya ay si Shiara Mae Sabirin. Masayang-masaya ako dahil sa 2nd year ay kaklase ko pa rin siya, ngunit kalakip noon ay ang lungkot dahil sa pag lipat ko sa panibagong seksyon na 2-B at pag-iwan ko sa iba kong kaklase lalo na ang aking best friend na si ate karen. Maraming pag-babago ang nang yari sa akin dahil sa pag aadjust ko sa mga bago kong kaklase buti na lng ay mabilis akong naging komportable dhil sa mababait at pala kaibigan ang mga bago kong kaklase. pag sapit naming mag kakaklase sa 3rd year ay nagig kaklase ko uli ang aking best friend ngunit si shira nmn ay nplipat ng seksyon. Marami nnmng nang yaring magaganda ng ako ay 3rd year isa na dyan ay ang pagiging volunteer ko sa Citizenship Advancement Training.

Christmas Party
CAT 2010-2011


Ang pinakahihintay namin bilang isang junior student, siempre ang aming kauna-unahang js prom.
JS PROM 2009-2010


 Bago ko matapos  ang 3rd year ay dumating ang mga araw at buwan na ako ay nanligaw na sa isang babaeng hindi ko na sasavhin ang pangalan at Abril 2, 2010 nag bunga ang aking mga pinag hirapan ng ako ay sinagot nya kasabay ng aking kaarawan. Ngayon ako ay 4th year at masayang masaya bilang may kasintahan at lalo na bilang isang mag-aaral ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Lalo na ang mga nag daan na activities sa school tulad ng mini olympics.
4-B MINI OLYMPICS
Cheer Dance champion
2010-2011


Hanggang dito na lamang po ang aking talambuhay sana po ay nasiyahan kyo sa mga nalaman nyo. MARAMING SALAMAT SA PAG BABASA NG AKING TALAMBUHAY
Ang pinaka masayang buhay ko sa Dizon




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento