Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Alyssa Nerie Rivera



Ako ito, katatapos lang ng junior and senior prominade.



Ako si Alyssa nerie rivera. Ipinanganak ako noong setyembre 2,1995. Ako ay nakatira sa San Juan,San Pablo City,Laguna. Mayroon akong isang kapatid at iyon ay si Adrian Nicole Rivera. Ang aking pangalan ay kinuha sa parehong unahan na letra ng pangalan ng aking ama’t ina. Ganoon din sa aking kapatid. Ang aking ina ay si Almira Guevarra Rivera,siya ay isang mananahi. Ang aking ama naman ay si Noelito Martinez Rivera,siya naman ay isang karpintero. Simple lang an gaming buhay,minsan Masaya at hindi kinakapos sa pera pero minsan naman malungkot at kapos sa pera,pero kahit ganun Masaya pa rin kami dahil kumpleto naman kami at malapit din kami sa Panginoon. Nagpapasalamat nga ako sa aking mga magulang dahil pinalaki nila ako  ng maayos,magalang at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Ako at ang cousin ko.. si Jerimiah!!! ang nickname niya ay JJ.


Dahil sa magandang pagpapalaki nila sa akin,natuto akong makihalubilo at humanap ng mga mabubuting kaibigan,hanggang sa nasali ako sa mga kabataan ng simbahan kung saan kabilang ang aming relihiyon. Ang ibinigay sa aking talento ng Diyos ay nagamit ko sa mabuti. Ang talento ko sa pagkanta at pagtutog ng gitara ay ginagamit ko ngayon upang mapangunahan sa pagsasamba ang aming mga kapatiran. Para sa akin, ako ang nagsilbing instrumento ng Panginoon upang manghikayat pa ng ibang mga kabataan. Hindi lang sa pagsisimba natuon ang aking pansin, pero pati na rin sa aking pag-aaral at ito  ang nagsilbi kong inspirasyon. Nag-aral ako ng elementarya sa San Juan Elementary School. Malapit lamang iyon sa amin. Apat na taon at kalahati ng pumasok ako ng kinder at nagtuloy-tuloy na ang aking pagpasok hanggang sa ika-anim na baitang. Nakakatawa nga kasi nagging proud sa akin ang mga magulang ko dahil nagkaroon ako ng medalya noong ika-lima at ika-anim na baiting ako. At ngayon malapit na akong maging kolehiyo dahil gagraduate na ako ng sekondarya sa dizon high. Nito lamang nakaraan ay nagkaroon kami mg isang napakasayang field trip. Hindi ko iyon malilimutan sapagkat noon lamang muli ako nakasali na field trip, sobrang saya dahil madami akong natutunan. At nakasama ko pa ang crush ko kahit sa sandaling iyon lamang. Nakakabitin nga eh!!! Para sa akin ito ang pinakamasayang field trip na samahan ko, hindi lang dahil sa nag-enjoy ako, nakasama ko rin ang mga kaibigan ko. Sayang nga at hindi kumpleto noon ang JAMAG GIRLS. Wala kasing pera ang iba, pero kahit papano enjoy pa din. Sana maulit muli ang mga ganitong kasiyahan sa buhay ko.
Ang aming section, ang section 4-b...

Noong bata pa ako ay madalas kaming nagbabakasyon sa Maynila. Sa lola ko, sa parte ng pamilya ng nanay ko. Masaya kami doong nagpapasko at nagbabagong taon pero nagbago ang lahat ng iyon ng magkaaway-away ang lola ko at ang kapatid niya sa ina. Pinaalis ang lola ko doon sa bahay na tinitirhan nila sa Maynila. Nalungkot ako ng mangyari ang bagay na iyon sa pamilya ng nanay ko, pero nagdasal kami ng kaayusan sa pamilya ng nanay ko. Subalit isang masamang balita an gaming natanggap dahil ang nanay ng lola ko ay pumanaw na. nagging madamdamin ang pagkawalang iyon ng nanay ng lola ko. Nagpunta kami sa Maynila upang makipaglibing. Ngayon, nakatira na ang mga lola ko sa bahay ng kapatid ng nanay ko. Naging maayos naman ang lahat, pero nito lamang nakaraan ay naospital ang lolo ko dahil sa sakit sa baga. Alalana-alala ang nanay ko, nagdasal kami na sana ay gumaling ang lolo ko, at dininig nga ng Diyos ang aming panalangin. Naging maayos ang kalagayan ng lolo ko. Inaalagaan siya ng aking lola at ng aking mga pinsan sa Batangas.

Ako ulit.. sa amin ako nag-take ng picture.



Nitong pasko ay madami akong natanggap na regalo, at isa na rito ay ang aking cellphone na ibinigay sa akin ng pinsan ko na may asawa na. Dati, medyo may kadalasan ang pagpunta nila sa aming bahay dahil nagkaroon sila ng negosyo na babuyan ng aking mga magulang, subalit sa di inaasahang pangyayari ay nalugi ang kanilang negosyo. Labis na pinagdamdam iyon ng aking mga magulang pati na rin ng aking pinsan. Medyo nagkaroon ng samaan ng loob subalit hindi rin ito nagtagal, nagkasundo ulit silang mag-alaga ng baboy na inahin, pero sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasakit ang anak ng aking pinsan at dinala ito sa ospital at nangailangan sila ng pera, kaya’t hindi natuloy ang kanilang napagkasunduang negosyo n asana ay makatutulong rin sa akimg pag-aaral sa kolehiyo. Ngayon ay nakararaos din naman kami dahil naregular ang nanay ko sa kanyang trabaho, at nagkaroon din namn ng trabaho ang tatay ko.

Nitong nakaraang buwan ay nahirapan kami dahil namasukan ang aking nanay sa may Binan, ngunit sa kasamaang palad, hindi siya pinalad, ngunit hindi kami sumuko at ganun din ang aking ina, namasukan muli saya, at sa wakas sa kabutihan ng Diyos ay nakapasa at natanggap ang aking ina sa pangalawang pagkakataon. Nagtrabaho sila ng mabuti, at dahil nga sa karanasan niya sa pananahi ay naregular siya sa kanyang trabaho, kaya ngayon kahit papano ay hindi na nahihirapan ang aming pamilya sa paghuhulog ng lupa sa may San Ignacio. Kumuha kasi kami ng lupa doon dahil ang lupang kinatitirikan ng bahay namin ay hindi talaga sa amin kundi sa asawa ng aking tiyahin sa parte ng pamilya na tatay ko. Hinuhulog-hulugan naming ang lupang iyon para kapag kami ay nagkaroon na ng mag pamilya ay mapupunta sa aming magkapatid ang bahay at lupang iyon.
Ako yan.. huggard nga eHh!!! katuwaan lang!!!!


Simple lang ang aming buhay, hindi mayaman hindi rin mahirap pero masaya dahil puno kami ng pagmamahal sa isa’t isa, lalo na ako na mayroong mga kaibigan, ang JAMAG GIRLS na nagiging inspirasyon ko rin, at lalong lalo na ang mga mahal ko sa buhay. Kuntento din ako sa lahat ng bagay na nasa akin, hindi ako naghahangad ng marangyang buhay dahil hangga’t buo ang pamilya ko, wala na akong mahihiling pa. Masaya na ako kapag alam kong may mga taong nagmamahal sa akin gaya nga ng mga kaibigan at mga taong naging malapit sa akin.        At ito ang sisiguraduhin kong magiging daan ko upang matupad ko ang aking mga pangarap.
At hindi kami nagpapadala sa hirap ng panahon dahil andiyan ang Panginoon na pumoprotekta sa atin .


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento