Ako si Jovie Biig magulang ko sina Joselito Biig at Salve Biig.Kapatid ko si Ma. Anntontte Biig.Ipinanganak sa subd san pablo city ng oktubre,09,1994 araw ng Linggo. Sa aking pagsilang, naghatid ako ng labis na kasiyaan sa aking mga magulang sa kadahilanang ako ang naging kasagutan sa kanilang matagal na pinangarap na pagbuo ng isang pamilya.
|
Graduation ng kimder |
|
Nung akoy bata pa |
Lumaki ako sa pangangalaga at pagmamahal ng aking mga magulang sa san pablo city. Lumaki ako kasama ng aking mga pinsan.Isa sa mga pinakamasasayang alaala ang ibinigay sa akin ng aking pananatili sa probinsya. Naalala ko pa ang aming pag-akyat sa mga puno ng aking tita, ang pagpapalipad ng saranggola sa likod ng bahay, ang pagbabahay-bahayan at luto-lutuan, ang paglalaro ng mga larong Pilipino kasama ng mga batang di ko naman talaga kilala at ang pangngisda sa lawa tuwing magjojoging kami ng aking ama. Siguro sa pananatili ko rin dito, natutunan kong mahalin ang kalikasan. Kung di ninyo maitatanong, ang bayan ng san pablo ay di lamang makasaysayan ito rin ay biniyayaan. Malapit ito sa bundok banahaw, na aking naakayat. Sa bayan ding ito ako nag-aral hanggang sa unang baytang ng elementarya, sa san pablo central elementary school at natapos ko ang elementarya at nag high school ako sa col lauro d dizon memorial national high school kung saan kami permaneteng naninirahan, kasama ng aking nag-iisang nakabababatang kapatid, si Ma. anntonette Biig. Sa pagbabago ng aking nakagisnang kapaligiran, ako’y nagging masakitin at mahina ngunit dahil na rin sa pag-aalaga ng aking Nanay at sa kagustuhan kong din na di na siya magalala, natutunan kong makasanayan ang bagong mundong ginagalawan.. Lubhang napakalaki ng nagging papel ng eskuwelahang ito sa aking pagkahubog bilang isang tao. Dito ko nakilala ang mga taong nagging inspirasyon ko . Sa eskuwelahang ito nabuo ang aking mga prinisipyo at mga pangarap. Bukod sa napakaraming mga baggong kaalaman, dito ko natutunan ang pakikipagkapwa at pikikisama sa mga tao. Sa paaralang ito din ako unang tunay na umibig. Bilang isang estudyante, nagging aktibo ako sa mga gawaing pang eskuwela, sumali sa iba’t iang kompetisyon.Nakakatuwang isipin na ang layo na pala ng aking narating, mula sa pagiging isang sutil na bata na nakukuha ang lahat ng gustuhin, nandito na ako, isang lalaki nagnanais ng kabutihan para sa nakararami lalo na sa kanyang pamilya. Di ko matatawag ang aking sarili bilang isang simpleng tao. Marami akong mga panagarap na maari sa iba’y malayo sa riyalidad. Nais kong magsilbi, nais kong mag bigay ligaya, nais kong magligtas ng mga buhay. May paniniwala akong di kailangang mamuno upang makapagsilbi, ang kabukalan sa kalooban ng paglilingkod ang mas mahalaga. Isa akong taong may prinisipyo na kahit ano pa man ay aking paninindigan. Bagamat tahimik di ibigsabihin ay walang pakialam. Ako ang taong mapagkakatiwalaan, ang kaibigang dadamayan ka sa hirap man at ginhawa. Kahit na mabilis akong magalit, magtampo at umiyak, di ako ganoon kahirap magpatawad, ngunit sa pagkakataong pamilya ko na ang nasasaktan, kaya kong kalimutan kahit ang sariling kapakanan maipagtanggol lamang sila. Bilang isang indibedwal, binibigyang importansya ko ang oras, kaayusan at kalinisan. Naniniwala ako na kung kagaya ko bibigyang importansya din ang mga ito ng karamihan, mas magiging maayos ang ating pamumuhay.
|
Ngayon akoy binata na |
|
Mga classmate ko |
|
mini olympics |
Ito ako. Sa iyong pagbabasa ng aking maikling tamabuhay may nalaman ka tungkol sa akin. Ngunit sa kasamaang palad di ito ang lahat. Kung ako’y iyong pakikisamahan marahil sa pagkakataong iyon, tunay mo na nga akong makikilala at sana ganoon din ako.maraming salamat po.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento