Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Alyssa Nerie Rivera



Ako ito, katatapos lang ng junior and senior prominade.



Ako si Alyssa nerie rivera. Ipinanganak ako noong setyembre 2,1995. Ako ay nakatira sa San Juan,San Pablo City,Laguna. Mayroon akong isang kapatid at iyon ay si Adrian Nicole Rivera. Ang aking pangalan ay kinuha sa parehong unahan na letra ng pangalan ng aking ama’t ina. Ganoon din sa aking kapatid. Ang aking ina ay si Almira Guevarra Rivera,siya ay isang mananahi. Ang aking ama naman ay si Noelito Martinez Rivera,siya naman ay isang karpintero. Simple lang an gaming buhay,minsan Masaya at hindi kinakapos sa pera pero minsan naman malungkot at kapos sa pera,pero kahit ganun Masaya pa rin kami dahil kumpleto naman kami at malapit din kami sa Panginoon. Nagpapasalamat nga ako sa aking mga magulang dahil pinalaki nila ako  ng maayos,magalang at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Ako at ang cousin ko.. si Jerimiah!!! ang nickname niya ay JJ.


Dahil sa magandang pagpapalaki nila sa akin,natuto akong makihalubilo at humanap ng mga mabubuting kaibigan,hanggang sa nasali ako sa mga kabataan ng simbahan kung saan kabilang ang aming relihiyon. Ang ibinigay sa aking talento ng Diyos ay nagamit ko sa mabuti. Ang talento ko sa pagkanta at pagtutog ng gitara ay ginagamit ko ngayon upang mapangunahan sa pagsasamba ang aming mga kapatiran. Para sa akin, ako ang nagsilbing instrumento ng Panginoon upang manghikayat pa ng ibang mga kabataan. Hindi lang sa pagsisimba natuon ang aking pansin, pero pati na rin sa aking pag-aaral at ito  ang nagsilbi kong inspirasyon. Nag-aral ako ng elementarya sa San Juan Elementary School. Malapit lamang iyon sa amin. Apat na taon at kalahati ng pumasok ako ng kinder at nagtuloy-tuloy na ang aking pagpasok hanggang sa ika-anim na baitang. Nakakatawa nga kasi nagging proud sa akin ang mga magulang ko dahil nagkaroon ako ng medalya noong ika-lima at ika-anim na baiting ako. At ngayon malapit na akong maging kolehiyo dahil gagraduate na ako ng sekondarya sa dizon high. Nito lamang nakaraan ay nagkaroon kami mg isang napakasayang field trip. Hindi ko iyon malilimutan sapagkat noon lamang muli ako nakasali na field trip, sobrang saya dahil madami akong natutunan. At nakasama ko pa ang crush ko kahit sa sandaling iyon lamang. Nakakabitin nga eh!!! Para sa akin ito ang pinakamasayang field trip na samahan ko, hindi lang dahil sa nag-enjoy ako, nakasama ko rin ang mga kaibigan ko. Sayang nga at hindi kumpleto noon ang JAMAG GIRLS. Wala kasing pera ang iba, pero kahit papano enjoy pa din. Sana maulit muli ang mga ganitong kasiyahan sa buhay ko.
Ang aming section, ang section 4-b...

Noong bata pa ako ay madalas kaming nagbabakasyon sa Maynila. Sa lola ko, sa parte ng pamilya ng nanay ko. Masaya kami doong nagpapasko at nagbabagong taon pero nagbago ang lahat ng iyon ng magkaaway-away ang lola ko at ang kapatid niya sa ina. Pinaalis ang lola ko doon sa bahay na tinitirhan nila sa Maynila. Nalungkot ako ng mangyari ang bagay na iyon sa pamilya ng nanay ko, pero nagdasal kami ng kaayusan sa pamilya ng nanay ko. Subalit isang masamang balita an gaming natanggap dahil ang nanay ng lola ko ay pumanaw na. nagging madamdamin ang pagkawalang iyon ng nanay ng lola ko. Nagpunta kami sa Maynila upang makipaglibing. Ngayon, nakatira na ang mga lola ko sa bahay ng kapatid ng nanay ko. Naging maayos naman ang lahat, pero nito lamang nakaraan ay naospital ang lolo ko dahil sa sakit sa baga. Alalana-alala ang nanay ko, nagdasal kami na sana ay gumaling ang lolo ko, at dininig nga ng Diyos ang aming panalangin. Naging maayos ang kalagayan ng lolo ko. Inaalagaan siya ng aking lola at ng aking mga pinsan sa Batangas.

Ako ulit.. sa amin ako nag-take ng picture.



Nitong pasko ay madami akong natanggap na regalo, at isa na rito ay ang aking cellphone na ibinigay sa akin ng pinsan ko na may asawa na. Dati, medyo may kadalasan ang pagpunta nila sa aming bahay dahil nagkaroon sila ng negosyo na babuyan ng aking mga magulang, subalit sa di inaasahang pangyayari ay nalugi ang kanilang negosyo. Labis na pinagdamdam iyon ng aking mga magulang pati na rin ng aking pinsan. Medyo nagkaroon ng samaan ng loob subalit hindi rin ito nagtagal, nagkasundo ulit silang mag-alaga ng baboy na inahin, pero sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasakit ang anak ng aking pinsan at dinala ito sa ospital at nangailangan sila ng pera, kaya’t hindi natuloy ang kanilang napagkasunduang negosyo n asana ay makatutulong rin sa akimg pag-aaral sa kolehiyo. Ngayon ay nakararaos din naman kami dahil naregular ang nanay ko sa kanyang trabaho, at nagkaroon din namn ng trabaho ang tatay ko.

Nitong nakaraang buwan ay nahirapan kami dahil namasukan ang aking nanay sa may Binan, ngunit sa kasamaang palad, hindi siya pinalad, ngunit hindi kami sumuko at ganun din ang aking ina, namasukan muli saya, at sa wakas sa kabutihan ng Diyos ay nakapasa at natanggap ang aking ina sa pangalawang pagkakataon. Nagtrabaho sila ng mabuti, at dahil nga sa karanasan niya sa pananahi ay naregular siya sa kanyang trabaho, kaya ngayon kahit papano ay hindi na nahihirapan ang aming pamilya sa paghuhulog ng lupa sa may San Ignacio. Kumuha kasi kami ng lupa doon dahil ang lupang kinatitirikan ng bahay namin ay hindi talaga sa amin kundi sa asawa ng aking tiyahin sa parte ng pamilya na tatay ko. Hinuhulog-hulugan naming ang lupang iyon para kapag kami ay nagkaroon na ng mag pamilya ay mapupunta sa aming magkapatid ang bahay at lupang iyon.
Ako yan.. huggard nga eHh!!! katuwaan lang!!!!


Simple lang ang aming buhay, hindi mayaman hindi rin mahirap pero masaya dahil puno kami ng pagmamahal sa isa’t isa, lalo na ako na mayroong mga kaibigan, ang JAMAG GIRLS na nagiging inspirasyon ko rin, at lalong lalo na ang mga mahal ko sa buhay. Kuntento din ako sa lahat ng bagay na nasa akin, hindi ako naghahangad ng marangyang buhay dahil hangga’t buo ang pamilya ko, wala na akong mahihiling pa. Masaya na ako kapag alam kong may mga taong nagmamahal sa akin gaya nga ng mga kaibigan at mga taong naging malapit sa akin.        At ito ang sisiguraduhin kong magiging daan ko upang matupad ko ang aking mga pangarap.
At hindi kami nagpapadala sa hirap ng panahon dahil andiyan ang Panginoon na pumoprotekta sa atin .


Ang Talambuhay ni King Joshua Tolentino




I AM
Bago lumubog ang araw noong ika-2 ng abril taong 1995, ipinanganak ang bunsong anak ng ma-asawang Arnilo Atienza. Tolentino at Felda Payas. Tolentino sa Barangay Sta. Ana, San Pablo City. Na nag nga-ngalang King Joshua Gaviño. Tolentino. Ako ay bunso sa limang mag kakapatid. Kung baga sa juice o palamig ay ako ang latak.Ang mga kapatid ko ay sina Kent Vladimir, Kathleen Joyce, Kaye Anne, Karla Mae at ako nga ang kahuli-hulihan na si King Joshua Gaviño Tolentino. Mapapansin nyo na lahat kami ay dalawang salita ang pangalan at nag si-simula sa letrang "K". Lahat ito ay kagustuahan ng lolo ko na si Magellan Gaviño.

Masayang-masaya ang mga magulang ko ng ako ay ipinanganak isa n dyan ay ang aking lolo ngunit dalawamput-tatlong araw ang lumipas ng ako ay ipinanganak namatay ang aking lolo na si Magellan Gaviño. Ngunit sabi nga po ng iba ay "tuloy ang buhay". Isa nanamn pong napakasayang araw ang dumaan ng ipag-diwang namin ang aking unang kaarawan.Subalit dumating anamn po ang iasang dagok sa aming buhay lalo na sa aming magka-kapatid ng namatay ang aking ina na si Felda Tolentino limang buwan ang nakakalipas pag-katapos kung mag diwang na aking ika-unang kaarawan Disyembre 9, 1996 ng nang yari ang pag kamatay ng pinaka mamahal kong ina. Ang masakit pa dun ay wala pang isang taong nakakalipas ng mamatay ang aking ina ay nag asawa na ng bago ang aking ama na si Arnilo Tolentino ngunit khit ganoon ang nang-yari ay mahal pa rin naming mag-kakapatid ang aming ama. Ngunit pinag pasyahan na kmi ay uwanan sa aking lola na si Juliana Payas Gaviño.

Bago ako pumasok sa Kinder Garten ay dadalawa na kami ng aking ate Karla ang natira sa aking lola dahil sa kinuha na aking papa ang ang tatlo ko pang kapatid. Hunyo 5,1995 una akong pumasok sa eskwelahan bilang kinder ay una kong nasilayan ang aking unang crush noong mga oras na iyon ay para akong tinamaan ng palaso ni kupido ng makita ko si Larissa Rosales ng dumating ang isa pang napaka halaga at napakasayang araw sa aking buhay ang "Graduation Day". Pag-sapit ko ng garade1 ay prang nawalan ng kulay ang aking buhay sapagkat hindi ko nakita ang aking crush na si Larissa sa kadahilkanan na lumipat  siya ng paaralan. buti na lang nandyan ang aking lola at nakita ko ang babaeng muling nagpa-tibok ng aking puso na nag nga-ngalng Marenelle D. Bayan. Ginawa ko ang lahat upang mag-pasikat sa kanya sa kabutihan ng diyos nag-tagumpay ako dahil nakuha ko ang ika-anim na pwesto sa pinaka magaling sa klase ngunit mas lalo na akong napahanga ng malaman kong nakuha ni maren ang ika unang pwesto bilang pinaka magaling sa klase namin. Masaya ako ng hanggang ika-apat na baitang ay kaklase ko pa rin siya. Subalit pag tung-tong ko ng ika-limang baitang ay parang na ulit ang sinapit ko ng ako ay nasa ika-unang baitang pa lamang ng malaman kop at madama ko na wala siya at lumipat din siya ng paaralan. Kung kaya't sa ika-tatlong pag kakataon ay nakita ko muli ang isa pang babaeng nag pasaya sa akin.Ang pangalan ng babaeng ito ay Anna Jessa Elindo. Isa nanamang pag tatapos sa aking pag aaral ang nag daan ng natapos naminng magkakaklase lalo namin ni Jessa ang elementarya.


Isa nanamang pag hihiwalay para sa aming mag kakaklase ang nangyari at isa nanamang pagsubok ang haharapin sa pag harap namin sa bagong yugto ng aming buhay ang "HIGH SCHOOL LIFE". Noon ay nag kahiwa-hiwalay kming mag kakalase ang naging kasangga ko lang ay ang aking Best Friend na si Kasren M. Anoyo dahil sa pagpasok namin ng high school sa COL. LAURO naD. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL ay mag kaklase pa rin kmi ng aking best friend sa section ng 1-C. Doon ay nakita ko rin ang aking unang crush bilang high school at hindi puppy love dahil kahit papaano ay naging matured na ako mula ng pumasok ako ng highschool siya ay si Shiara Mae Sabirin. Masayang-masaya ako dahil sa 2nd year ay kaklase ko pa rin siya, ngunit kalakip noon ay ang lungkot dahil sa pag lipat ko sa panibagong seksyon na 2-B at pag-iwan ko sa iba kong kaklase lalo na ang aking best friend na si ate karen. Maraming pag-babago ang nang yari sa akin dahil sa pag aadjust ko sa mga bago kong kaklase buti na lng ay mabilis akong naging komportable dhil sa mababait at pala kaibigan ang mga bago kong kaklase. pag sapit naming mag kakaklase sa 3rd year ay nagig kaklase ko uli ang aking best friend ngunit si shira nmn ay nplipat ng seksyon. Marami nnmng nang yaring magaganda ng ako ay 3rd year isa na dyan ay ang pagiging volunteer ko sa Citizenship Advancement Training.

Christmas Party
CAT 2010-2011


Ang pinakahihintay namin bilang isang junior student, siempre ang aming kauna-unahang js prom.
JS PROM 2009-2010


 Bago ko matapos  ang 3rd year ay dumating ang mga araw at buwan na ako ay nanligaw na sa isang babaeng hindi ko na sasavhin ang pangalan at Abril 2, 2010 nag bunga ang aking mga pinag hirapan ng ako ay sinagot nya kasabay ng aking kaarawan. Ngayon ako ay 4th year at masayang masaya bilang may kasintahan at lalo na bilang isang mag-aaral ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Lalo na ang mga nag daan na activities sa school tulad ng mini olympics.
4-B MINI OLYMPICS
Cheer Dance champion
2010-2011


Hanggang dito na lamang po ang aking talambuhay sana po ay nasiyahan kyo sa mga nalaman nyo. MARAMING SALAMAT SA PAG BABASA NG AKING TALAMBUHAY
Ang pinaka masayang buhay ko sa Dizon




Talambuhay ni Kim Carlo A. Delrosario


Sumisimbolo sa Pagmamahalan ng Aking Ama At Ina.


              Ang aking buhay ay nagsimula sa pagiibigan ng aking ama at ina na si Allan Carandang Delosario at ang aking ina na si Arlene Ambita Amante dahil sa pagiibigan ng aking ama at ina sa isat isa nagkaroon sila ng isang anak noong setyembre 25,1994 ito ang aking kaarawan binigyan nila ako ng pangalang kim carlo a delrsario noong una palang nila akong inaalangaan pagtutulunga at pagunawa sa isat isa ang kanilang gabay para palakihin ako ng ayos ng may paggalang sa matanda at may takot sa diyos dito na po papasok diti na po papasok yung aking pangalawang kapatid si r-yan delrosario at ang aming bunso na si via delrosario tungkol naman po sa aking sarili noong ako ay nung ako ay nag apat na taong gulang na ay naging palaisipan sa aking mga magulang kung ipapasok na ba nila ako sa paaralan sa amin brgy sa kinder!!! ngunit dahil bata palang ako nun iyakin pa ako nun aminado naman ako dahil sa una hindi pa ako sanay pero nagdaan ang mgra araw at naging aktibo ba ako sa mga gawain na pinagagawa sa akin ng aking guro.....dito dumating ng ako ay umakyat na sa entablado dahil sa aking pagtatapos at nang ako ay mapunta sa elementarya sari saring opinyon at kwento ang mga naririnig ko mga salawan,lungot at saya mga pagsubok o problemang tila ba ulan na walang tigil ang pagbuhos  ngunit datapwat subalit ito ang mga naging inspirasyon ko para malampasan ko lahat ng mga pagsubok na dumating sa aking buhay!!! dahil hindi ako nabitaw sa kamay ng diyos na makapangyarihan ! dahil dito nakilala ako sa aming paaralan kabilang ako sa mga palarong panlusod para sa larong   BASKETBALL"! Oo basketball nga ito ang isa sa mga kaibigan ko kapag ako ay malungkot ito ang nagbigay ng inspirasyon para makuha ko ang aking mga pangarap  mga pangarap na malabong makuha!! dahil sa isang batang dati ay iyakin! at di mapalagay kapag hindi hawak ang kamay ng mga magulang at ako yon dati!!dahil  sa larong ito tumaga sa akin ang salitang" HANGGAT MAY ORAS PA MERON PANG PAG-ASA ,o hindi pa tapos ang laban!! at magtiwala ka lang sa sarili mo!diba??napapaisip ka!para sa akin mahalaga ang larong ito sa pagkat dumami ang aking mga kaibigan>> kaibigang maasahan sa oras na aking kelangan!ko sila sa bawat laban ko sa court  di ko maiwasang kabahan at makarinig sa mga tao ng di magandang masasabi sayong sarili.pero sa kabila ng mga ito tumayo parin ako sa aking sariling paa ng walang pinanghahawakan at walang pinagbubuhatan ng kamay di maiiwasn na di ka matalo sa isang laro pero dapat sports ka lang dahil once na init ng ulo ang pinairal mo 101% sira ang laro mo!siguro nagtataka kayo kung bakit sa larong basketball lamang umiikot ang aking buhay.ito lang masasabi ko dahil ang larong ito at ang paglalakbay ko para  sa aking kinabukasan aymay halintulad sa aking buhay!        
Mga Kaplayer Ko Sa Larong Basketball.
   Akoy nasa ikatlong baitang pa lamang ngunit kahit ako ay puro paglalaro sa buhay hindi ko parin pinababayaan ang aking pag-aaral sa katunayan ako ay isang huwaran at top1 nung ako ay nasa ikalimang baitang at anim pero kalahok parin ako sa panglaban ng aming paralan sa palarong panglunsod ng aming paaralan! dito na pumasok ang lungkot at saya sa akin dahil ako ay magtatapos na ng elementarya naging malungkot ako dahil maghihiwalay na kamong mga magkakaibigan at ang saya ay makakatuntong na ako ng sekondarya!at ng ako ay pupunta na nang sekondarya maraming opinyon ang aking mga kaibigang lolo,lola,o in short mga kamag anak kung saang paaralan ako nila papasukin dahil noong wala pang hanapbuhay ang aking magulang kaya sabi ko maging praktikal nalang ako kaya sa
Ako nung nasa 2nd year
         COL.LAURO D.DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGHSCHOOL  ako nagpasyang pumasok ang paaralang sikat at ang school na hindi nagpapatalo kahit sa anung asignatura siyempre baguhan pa lamang ako pero sa totoo lang nasasabik ako dahil ang alam ko para sa sarili ko habang ako ay nataas ng antas ang pakahulugan kodito ay malapit ko ng makuha o makamit ang aking mga pangarap sa aking buhay!!at nang ako ay nasa sekondarya na sa unang antas maraming kaibigan agad ang aking nakilala pero sa una hindi ko maiwasang maalala noong akoy nasa elementarya kasama ang aking tropa!pero dapat maging matatag ka! kaya dito ko pinairal  ng unti unti. sa unang antas at sa pangalawang antas naman makikinig at makikinig ko rin ang mga opinyon nila may siraan at totoong kaibigan  na darating sayo mga kaibigang magpapayo sayo ng tama upang hindi mapahamak ang iyong sarili! sa pagtatapos ko sa pangalawang antas lumban ako ng isang dula dulaan ang florante at laura kung saan nakasungkit ang nagkwekwento sa inyo ang bida para sa silver place !!siya nga pala nang ako ay nasa unang antas ay kasali parin ako para sa isa sa panglaban ng aming paaralan at sa pangalawang antas ganun din nman masaya naman ang aking buhay puning puno ng mga hamon sa buhay pero nalampasa ko ito!


Ang inspirasyon ko saking pag-aaral

                                              KIMTRINA CARLYN A.B DELRIONES

          Siya nga pala ng nasa unang ako may nakilala ako ng isa babaeng nagbigay sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal dahil feel ko talaga ibang iba siya sa ibang mga babae siya yung naging inspirasyon ko kung bakit kelangan ko ang mga araw na kelangan kong mag aral!!hanggang sa 3rd year kasama ko pa siya at ng nasa 4rh year na ako kami pari ng dalawa ang tagal na namen noH!!!ang pangalang nga pala niya aysi katrina lyn bustos briones sig po hindi pa tpos ang aking buhay!sana may natutunan kayo sa akin!!!maimis ko ikaw at ang 4BLAZERZ......

Aking huling kamag aral sa highschool"4-blazers"





Tropa ko simula ng ako ay elementary hanggang ngayon'
         Mamimis ko kayo tol sana  matupad ninyo mga pangarap niyo sna walang makalimot.


Ang Talambuhay ni Jovie Biig

Ako si Jovie Biig magulang ko sina Joselito Biig at Salve Biig.Kapatid ko si Ma. Anntontte Biig.Ipinanganak sa subd san pablo city ng oktubre,09,1994 araw ng Linggo. Sa aking pagsilang, naghatid ako ng labis na kasiyaan sa aking mga magulang sa kadahilanang ako ang naging kasagutan sa kanilang matagal na pinangarap na pagbuo ng isang pamilya.


Graduation ng kimder


Nung akoy bata pa
Lumaki ako sa pangangalaga at pagmamahal ng aking mga magulang sa san pablo city. Lumaki ako kasama ng aking mga pinsan.Isa sa mga pinakamasasayang alaala ang ibinigay sa akin ng aking pananatili sa probinsya. Naalala ko pa ang aming pag-akyat sa mga puno ng aking tita, ang pagpapalipad ng saranggola sa likod ng bahay, ang pagbabahay-bahayan at luto-lutuan, ang paglalaro ng mga larong Pilipino kasama ng mga batang di ko naman talaga kilala at ang pangngisda sa lawa tuwing magjojoging kami ng aking ama. Siguro sa pananatili ko rin dito, natutunan kong mahalin ang kalikasan. Kung di ninyo maitatanong, ang bayan ng san pablo ay di lamang makasaysayan ito rin ay biniyayaan. Malapit ito sa bundok banahaw, na aking naakayat. Sa bayan ding ito ako nag-aral hanggang sa unang baytang ng elementarya, sa san pablo central elementary school at natapos ko ang elementarya at nag high school ako sa col lauro d dizon memorial national high school kung saan kami permaneteng naninirahan, kasama ng aking nag-iisang nakabababatang kapatid, si Ma. anntonette Biig. Sa pagbabago ng aking nakagisnang kapaligiran, ako’y nagging masakitin at mahina ngunit dahil na rin sa pag-aalaga ng aking Nanay at sa kagustuhan kong din na di na siya magalala, natutunan kong makasanayan ang bagong mundong ginagalawan.. Lubhang napakalaki ng nagging papel ng eskuwelahang ito sa aking pagkahubog bilang isang tao. Dito ko nakilala ang mga taong nagging inspirasyon ko . Sa eskuwelahang ito nabuo ang aking mga prinisipyo at mga pangarap. Bukod sa napakaraming mga baggong kaalaman, dito ko natutunan ang pakikipagkapwa at pikikisama sa mga tao. Sa paaralang ito din ako unang tunay na umibig. Bilang isang estudyante, nagging aktibo ako sa mga gawaing pang eskuwela, sumali sa iba’t iang kompetisyon.Nakakatuwang isipin na ang layo na pala ng aking narating, mula sa pagiging isang sutil na bata na nakukuha ang lahat ng gustuhin, nandito na ako, isang lalaki nagnanais ng kabutihan para sa nakararami lalo na sa kanyang pamilya. Di ko matatawag ang aking sarili bilang isang simpleng tao. Marami akong mga panagarap na maari sa iba’y malayo sa riyalidad. Nais kong magsilbi, nais kong mag bigay ligaya, nais kong magligtas ng mga buhay. May paniniwala akong di kailangang mamuno upang makapagsilbi, ang kabukalan sa kalooban ng paglilingkod ang mas mahalaga. Isa akong taong may prinisipyo na kahit ano pa man ay aking paninindigan. Bagamat tahimik di ibigsabihin ay walang pakialam. Ako ang taong mapagkakatiwalaan, ang kaibigang dadamayan ka sa hirap man at ginhawa. Kahit na mabilis akong magalit, magtampo at umiyak, di ako ganoon kahirap magpatawad, ngunit sa pagkakataong pamilya ko na ang nasasaktan, kaya kong kalimutan kahit ang sariling kapakanan maipagtanggol lamang sila. Bilang isang indibedwal, binibigyang importansya ko ang oras, kaayusan at kalinisan. Naniniwala ako na kung kagaya ko bibigyang importansya din ang mga ito ng karamihan, mas magiging maayos ang ating pamumuhay.
Ngayon akoy binata na

Mga classmate ko
mini olympics
 Ito ako. Sa iyong pagbabasa ng aking maikling tamabuhay may nalaman ka tungkol sa akin. Ngunit sa kasamaang palad di ito ang lahat. Kung ako’y iyong pakikisamahan marahil sa pagkakataong iyon, tunay mo na nga akong makikilala at sana ganoon din ako.maraming salamat po.

Sabado, Pebrero 19, 2011

Bata Bata Pano Ka Tumaba??(Ang Talambuhay ni Bernardo C. Rafael Jr.)


BATA BATA PANO KA TUMABA??

Ang pamilya Rafael ay nasa Tarlac, at ang pamilya Cosico naman ay nasa Laguna…
Hindi ba parang destiny ang pangyayaring ito??

Maniniwala ka ba na si BERNARDO COSICO RAFAEL JR. ay isang batang payat noon??




Ng ako ay 8 buwan pa lamang..
               

Ako si BERNARDO COSICO RAFAEL JR. ay ipinanganak nong ika alas dos ng Pebrero 15,1995.Magulang ko sina Bernardo Genoviz Rafael at si Corazon Laquinilao Cosico.Kapatid ko sina Carolina Rafael at Clarissa Rafael.Sabi nila wala daw dpat na Bernardo C. Rafael jr. dahil dapat tatlong maria ang mga anak na papa at mama ko.Ang panaglang CONAN ay galing sa pinasn ko na sinunod sa mga pangalan ng mga magulang ko.CO galing sa Corazon mama ko at NAN galing sa pangalan ng papa ko na Bernan.

Ang February 15 ay hindi talaga malilimutan ng mga kamag- anak ko kahit kaarawan ko pa ito.Dahil ang kapatid kong si Carolina ay nagpaalam na papasok sa paaralan eh yun pala umakyat sila ng bundok ng mga kaklase niya.Dahil dun kinarma si ate, nalaglag siya sa bundok buti nalang hindi sya namatay.Pinatingin nila si ate sa isang albularyo na ang sabi ay nilaglag daw sya ng isang tikbalang. Totoo pala ang mga ganun no??  

Ang isa sa mga hindi ko malilimutan na kinuwento sa akin ng mga magulang ko ay yung nalaglag dw ako dahil sa pag aagawan sa akin ng mga kapatid ko. Cguro dahil cute ako non hehehe.Pero bgayon hindi na nila ako magawa na pag agawan siguro hnd na ako cute ngayon naadwa pa sila sa akin.
Ako at ang aking Ninong ng ako ay binyagan sa Katoliko
                                                                                                                                                Ano ba talaga ang relehiyon ko? Katoliko o Iglesia ni Cristo??Si papa dati ay nagtatrabaho sa isang sikat na village sa Maynila bilang isang security guard. Natural naman sa kanila na ang mga kaibi8gan nila ay mga kapwa nila guard at mga maid.Pero si Papa hindi dahil siguro sa taglay niyang kabutihan sa kapwa pati mga anak ng mga bigating negasyante doon eh kaibigan na din ni papa ung mga ankak nila. Sabi ng Papa ko dapat daw ang mga ninong at ninang ko ay ang mga katulong at guard sa village. Pero ng nalaman ng mga kaibigan ni papa na nanganak si mama nag presinta sila na maging ninong at ninang ko. Hindi na maka tanggi si papa sa kanila dahil syempre nakakahiyta sa kanila. Kaya swerte ko sa mga ninong at ninang ko. Pero pagkatapos, inihandog naman ako sa Iglesia Ni Cristo.Hanggang ngayon nasa Iglesia pa rin ako at ito na rin ang kinasanayan ko.
Ako at ang aking kapatid na babae at ang pinsan ko.Ng ako ay magdaraos ng  pagka isang taon.



Unang kaarawan ko na, siguro naman sa lahat ng bata nag daan sa pagiging isang taon? At siguro ito din ang isa sa mag pinka Masaya na kaarwan sa kanila? Hinding hindi ko malilimutan ang kaarawang ito sa buhay ko .syempre andun ang madaming handaan at madaming bisita.
Sa bawat taon na lumilipas sa pamilya ko. Nalalag pasan naming yon. Nandun yung masasayang New Year at maraming pagkain hehe sa pamilya ko. Isa siguro yan sa mga dahilan kung bakit ako nag kaganito. Lage nilang sinasabi na napabayaan daw ako sa kusina? Ang masasabi ko lang na mag kasama ang kusina naming at sala. Kaya pag katapos kumaen nakahiga na ko. Yan ang Bernardo Diet!! Try mo.
Unang pag aaral ko ay sa SKP na isang akitibidad sa Iglesia tuwing sumer yon. Siguro mga 2 taon din ako nag aral dun.Sa lob ng 6 na taon unang pasok kjo sa isang malaking paaralan sa elementarya ng San Marcos. Sa grade 1 isang pangyayari sa akin ang hinding hindi ko malilimutan. Yun yung mag LBM ako at skul. Buti nalang at nong bata pa ako nangyari yon. Mas nkakahiya naman siguro kung ngayong High School ako nag ganun noh??  Nung grade 1 nagsimula na ako mag binalot kada tanghalian. Hanggang grade 6 ganito ako.Dito ko din naransan ang pinaka murang pamasahe piso lang yun ha? Pero kada hapon lakad na ko pauwi total madame naman akung kasabay pag uwi.
7th Birthday ko na. Bonggang bonggang bday party. Mas madaming games at handa. Syempre mas madaming bisita kasi madame na kung friend sa school.Isa sa regalo na natanggap ko ay isang ballot ng tinapay. Siguro balak talaga nila akong patabain? Pero syempe tinggap ko.
Nag grade5 na ko. Ito yung time na tumutulong na ko kay mama sa pagtitinda at pagluluto. Ito na din yung oras sa skul na may planting na. Ayun sa kasamaang palad ng halaman namatay.
                Ito na din yung time na natanggalan ng trabaho si papa. Driver kasi siya ng isang mayamang family. At isa pa driver din sya ng isang malaking kompanya ng Aircon sa Manila.Dahil sa pag ka tanggal niya. Medyo nag higpit muna kami ng sinturon. Kaya medyo pumyat ako ng time na yon.
                Sa grade 5 ko din nahiligan ang paglalaro ng sport tulad ng Volleyball. Nadala ko naman yon hanggang grade 6. Sa kagandahan pa , Napili ako para mag laro sa DIVISION MEET. Lahat sila pinarusahan sa isang laro naming ako lang ang hindi. Dahil siguro ang ganda ng Performance ko nun.Tapos nun., Napili naman ako para mag laro sa STRAA, Big time ang pagkain pero kasabay nun ang mahirap na training. Kaya lage nalang akong huli sa pagtakbo naiiwan nila ako. Lake din ng allowance naming dun 1500 sa buong lingo tyaka 50 kada panalo. After 1 week natapos din ang STRAA. Madame din naman akong nadala para sa kanila puro nga keychain ehh.
                Graduation day naman. Nakakuha din naman ako  kahit papano ng award. .Sobrang thankful ako sa mga parents ko. Kasi hindi sila nag sawa na pag aralin ako hanggang sa nakatapos ako ng elementary.

Sabi nila high school life ay mahrap. 1st day ng school sa high school.Halong saya at kaba ang naranasan ko.BAgong pakikisamahan na naman. Pagkatapos ng isang lingo close na din naman kame. Hindi naman ako nahirapan na kilalanin sila. 2 years ako na nging classmate sila. Ng time din nay an, Yan yung panahon na kailngan umalis ng kapatid ko para mag trabaho sa ibang bansa. Mahirap na wala sya kasi hindi kame sanay. Mas amlungkot yung time na pagkakain kame na hindi naming sya kasabay. At yung mga New Year na wala sya kasi hindi kami sanay na wala sya lalo at nasanay na kame na kumpleto kame sa pamilya ko.
3rd year na. Ito yung panahon na napa baba ako ng section. Syempre mga bagong mukha na nama Kasi nalaman ko na pag sinabing section b ay magulo at maingay. OO nga at magulo at maingay sila pero ng makilala ko na sila. Tama sila maingay nga at magulo. Pero hindi ko pinagsisihan na maging B ako. Kasi dito ko nakita ang mga tunay na kaibigan. Hindin naman ako nahirapan na makisalamuha sa kanila. Dito ko din nakilala yung babae na mkakapag bago ng buhay ko. Ewan ko ba kung bakit sa dami dami ng babae eh.. Dun pa ko nag kagusto sa babaeng may boyfriend na pala. Nahirapan ako mag adjust kasi friends na na kame. Pero dahil dun hindi naman sya nag bago sa akin. Kaya naman nagging Masaya ako. Kasi kahit na nalaman nya na mahal ko sya eh hindi nya ako nilalayuan.,
Ang larawang ito ay Bagong Taon. Dumating din ang kapatid ko galing ibang bansa ( nasa kaliwang babae)
  Itong year din  na ito. Dumating ang kapatid ko after 2 years. Naging Masaya na ang pamila naming. At mismong new year pa sya dumating kaya napaka saya tlaga namin.

Rafael Family Reunion. kasama ko ang aking dalawang pinsan.
                 2010 nagkaron ng family reunion ang RAFAEL FAMILY mga pinsan ko. Lumalaki na din. Isang Masaya na pangyayari na naman sa amin yun. Yung iba nga hindi ko na masyado kilala.
4th yr medyo madame ang napababa ng section. Pero ayus lang kasi hindi naman nabago ang mga pinag samahan naming. May mga bagong classmate na madali naman naming napakisamahan. Diyan ko din nakilala ang PANGET ng buhay ko. Oo ayaw pa niay pero alam kung nagging maganda ang pinag samahan naming kahit bff lang ang turing niya sa akin. Napaplapit na ang Graduation day naming. Medyo naiisip ko na ang magiging pangyayari sa araw na yon alam kong may iiyak sa amin. Kasi naman mag hihiwalay na kami pero Masaya kasi isa nanaman na pangarap naming ang matutupad.
  Thanks sa inyong lahat..